Dating Kaibigan
Hindi na pala kita pwedeng ituring na kaibigan
Hindi na pla pwedeng ibalik yung dati
May pumalit na sa dating pwesto ko
sana lang alam ko kung bakit
sana may dahilan
Susubukan kong hanapin ka sa iba
Susubukan kong kalimutan ka
Kahit mahirap
Kahit parang imposible
Gagawin ko yung dapat
Gagawin ko yung tama
Mawawala ka rin sa isip ko
Mawawala ka rin sa puso ko